Mga Kaugaliang Pilipino
1. Bayanihan
– Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan
kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan
sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang
na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang
mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang
inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay
ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng
awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng
ugaling indibidwalismo
ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
2. Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
– Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang
kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming
mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay
may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang
bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga
lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat
ay mag-kakakilala.
3. Pakikisama – Ang pakikisama ay
ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba.
4. Hiya – Ang kaugaliang Hiya ay isang
panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos
sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay
nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi
lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak.
Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat
sapat ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay
nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.
5. Utang na Loob – Ang Utang na Loob,
ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang
dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang
hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
6. Amor Propio – Pagpapahalaga ng
isang tao sa kanyang dignidad.
7. Delikadesa – Isang ugali na
nagpapakita kung kailan dapat na ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa
lugar.
8. Palabra de Honor – “May isang
salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga
sinabi nitong mga salita o pangako sa iba at hindi paiba – iba ng opinyon.
9. Bahala na – Ang gawing ito ay nangangahulugan ng pagpapaubaya
sa kapalaran sa kung anumang mangyayari o kahihinatnan sa buhay.
10. Pagpapahalaga sa Damdamin –
Ito
ay tinaguriang pagsasaalang-alang ng saloobin ng iba. Pinahahalagahan ng mga
Pilipino ang damdamin ng kanyang kapwa at sinisigurong hangga’t maaari ay hindi
niya ito masaktan.
Source:
http://www.scribd.com/doc/70646957/Mga-Kaugaliang-Pilipino
Collin de Columbia Titanium Art
TumugonBurahinCollin de 2020 ford edge titanium for sale Columbia titanium cerakote Titanium Art | trekz titanium pairing Columbia Design | Tiena titanium max trimmer Art | Columbia Art | Tiena Art | Tiena Art | Tiena Art | titanium exhaust tubing Tiena Art | Tiena Art | Tiena Art | Tiena