May
iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong
pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon.
Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad
ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga
pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina
at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang
pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing
Agosto 19.
Araw ng mga Puso
Tuwing
ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano
natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong
ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa
pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa
araw na ito.
Linggo
ng Pag-iwas sa Sunog
Ipinagdiriwang
ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga
paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa
sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may
sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa
ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.
Araw ng
mga Ina/mga Ama
Mga
pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing
ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong
Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang
kabutihan ng ating ina at ama.
Linggo
ng Wika
Marami
paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula,
pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang
ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L.
Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa
okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at
pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa
pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng
mga Nagkakaisang Bansa
Pagsapit
naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa.
Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't
ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan
ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at
magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga
palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa
telebisyon at radyo.
Linggo
ng Mag-anak
Ito
ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang
pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Araw ng mga Guro
Iba-iba
ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan
ginagawa sa atin ng mga guro.
Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod
Quezon
Ginugunita
rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito
ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24
ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.
Source:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento