Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaongnapakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang.Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina atpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.
Bagong Taon
Tuwing
unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito
bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at
nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong
family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod
ng pamilya.
Araw ng Rebolusyong EDSA
Makaysaysayan
ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero.
Araw ng
Kagitingan
Ang
krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga
matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito.
Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9.
Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.
Araw ng
Mangagawa
Ipinagdiriwang
tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil
sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa
pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain
araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura
ni Antipas Delotavo, 1991
Araw ng
Kalayaan
Tuwing
Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan mula sa EspaƱa. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa
bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami
pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito.
Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
Imaginary
Patriot ni Benedicto Cabrera, 1975
Araw ng
mga Bayani
Ang
Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang
mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa.
Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at
kapakanan ng bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento